Friday, March 4, 2011

Maynila 1898

Labanan sa Look ng Maynila (1898)
Ang Labanan sa Look ng Maynila ay pagsiklab ng digmaan sa pagitan ng Estados Unidos at Espanya ay nag-udyok sa Estados Unidos na sakupin ang Pilipinas. Ipinakita ng mga Amerikano ang kapangyarihang militar nito nang lusubin ng kanilang hukbong pandagat ang hukbo ng mga Español sa Look ng Maynila noong Mayo 1, 1898. Walang nagawa ang mga Espanyol kundi isuko ang Pilipinas sa mga Amerikano. Upang hindi malagay sa kahihiyan ang Spain, nakipagkasundo ang Estados Unidos na magkaroon ng kunwa-kunwariang labanan sa Maynila. Isinagawa ito noong Agosto 13, 1898. Inakala ng hukbo ni Aguinaldo na magkakaroon ng tunay na paglusob ang mga Amerikano laban sa mga Español kaya nag-alok siya ng tulong militar ngunit hindi ito tinanggap ng mga Amerikano. Sa pamamagitan ng kunwa-kunwariang labanang ito, ipinakita ng mga Espanyol na lumaban ang mga hukbo nito sa abot ng kanilang makakaya at hanggang sa huling sandali.

2 comments:

  1. Mankind must put an end to war before war puts an end to mankind.

    ReplyDelete
  2. * During the Spanish and American's colonization in the Philippines our country faced many war against them in order to have a freedom that caught to us.
    * Because of the Filipinos brave and the love for country we get it.
    * Although you are loss in a game it is important that you did your best to win.
    * To accept the loss in a fight is a sign that you have a sportsmanship.

    ReplyDelete